Friday , November 22 2024

2 akyat-bahay utas sa vigilante

KAPWA tumimbuwang na walang buhay ang dalawang hinihinalang mga miyembro ng akyat-bahay gang nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki makaraan umatake sa isang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay ang mga biktimang sina Roldan Polinio, 28, at Edgardo Viray, alyas Oyi, 36, kapwa residente ng Phase 8A, Package 11, Block 11, Excess Lot, Brgy. 171 ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni SPO2 Constantino Guererro, 11:30 p.m. kamakalawa nang pagbabarilin ang dalawang biktima sa isang madilim na eskinita sa Phase 8, Block 25 Lot, Brgy. 176, Bagong Silang.

Nabatid na isang bahay sa lugar ang inakyat ng dalawa ngunit nakatunog ang mga resi-dente kaya nagpasyang tumakas na lamang.

Ngunit pagkaraan ay narinig ang sunod-sunod na putok ng baril at tumambad ang duguang katawan ng mga biktima.

Ayon kay Purok Leader Antonio Pepito, si Polinio ay kilalang miyembro ng akyat-bahay gang, habang si Viray ang tagabenta ng mga nakukulimbat sa kanilang mga biktima.

Pinaniniwalaang isang vi-gilante group ang pumatay sa mga biktima.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *