Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paul George isinama sa laban vs Gilas

IDINAGDAG si Paul George ng Indiana Pacers sa mga superstars ng NBA na lalaban sa Gilas Pilipinas sa “The Last Home Stand” na gagawin sa Hulyo 22 at 23 sa Smart Araneta Coliseum.

Ito’y kinompirma ng pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at ang tserman ng PLDT na si Manny V. Pangilinan sa kanyang Twitter account kahapon.

Makakasama ni George ang iba pang mga superstars ng NBA tulad nina Blake Griffin, Damian Lillard, Kawhi Leonard, Paul Pierce, DeMar DeRozan, Kyle Lowry at Nick Johnson.

Bumisita na si George sa Pilipinas noong isang taon nang isinama niya ang Pacers sa pre-season na laro kontra Houston Rockets.

Ang mga laro ng mga NBA All-Stars kontra Gilas ay bahagi ng paghahanda ng national team para sa FIBA World Cup sa Espanya sa Agosto.

Magkakaroon din ng slam dunk exhibition sina Griffin, DeRozan at Japeth Aguilar ng Gilas samantalang lalaban ang team captain ng Gilas na si Jimmy Alapag sa three-point shootout kontra kina Lillard at Lowry.

Bumisita na si DeRozan sa Pilipinas kamakailan bilang espesyal na panauhin ng NBA 3×3 Philippines.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …