Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

OFW patay sa despedida 4 sugatan

PATAY ang isang 27-anyos overseas Filipino worker (OFW) habang malubhang nasugatan ang apat niyang katropa kabilang ang nakababatang kapatid makaraan paulanan ng bala ng hindi nakilalang suspek ang masayang despedida party sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga .

Hindi na umabot nang buhay sa Bernardino Hospital si Greggy Tibang, ng #255 Area D., Sitio Diwa, Brgy. 178, Camarin ng nasabing lungsod.

Habang ginagamot sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital  sina Celso Morella, 38, at Jeasam Almencion, 22; at sa East Avenue Medical Center (EAMC) sina  Edmund Celestra, 27, at John Carlo Tibang, 23, nakababatang kapatid ni Greggy, pawang ng nabanggit na lugar.

Mabilis na tumakas ang hindi nakilalang suspek bitbit ang ginamit na baril.

Sa ulat ni PO2 Chilbert Ofalla, dakong 5:00 a.m. kamakalawa nang maganap ang pamamaril sa Malvar St., Brgy. 178 ng nasabing lungsod.

Dumayo ng inoman sa kanyang mga kaibigan ang biktima kasama ang nakababata niyang kapatid nang makantiyawan na magpa-despidida dahil muling aalis si Greggy patungo sa ibang bansa.

Inumaga ang inoman ng grupo hanggang sumulpot ang hindi nakilalang suspek at walang habas na pinaulanan ng bala ang mga biktima.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa nasabing insidente at kung sino ang salarin.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …