Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, nagpunta ng gay bar (Immune na sa bashers)

061814 marian rivera

ni Roldan Castro

HATI ang reaksyon ng mga tao nang mabalitaang nagpunta sa gay bar  sa Mandaluyong ang Primetime Queen na si Marian Rivera? Ano raw ang ginagawa niya sa isang lugar na mahigit na 60 bikini boys ang rumarampa?

Bakit daw hinahayaan ng Triple A management ni Mr. Tony Tuviera na ang isang wholesome actress at may endorsement ay makitang nasa big event ng isang gay bar?

Nakakaloka ang mga ipokritong pinupulaan na nakita si Marian sa gay bar. Nandoon siya dahil binigyan siya ng award bilang ‘honorary beki’ ng Lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community.  Nagpasalamat din siya sa mga lesbian na bumuto sa kanya para maging number 1 sa FHM Philippines 100 Sexiest Women na ginanap kamakailan ang victory party sa World Trade Center.

Hindi lang naman si Marian ang nandoon sa gay bar, nakisaya rin sina Eugene Domingo, KC Concepcion na sinundan ni Paulo Avelino, Aiko Melendez, Vice Ganda atbp..

Immune na sa bashers

SPEAKING of Marian, nagbigay siya ng komento sa mga online basher na ang latest victim ay si Gov. Vilma Santos.

“Alam mo ‘yung mga nagba-bash malungkot ang buhay nila kasi wala silang nakikita kundi puro kapintasan. Kung masaya ka sa buhay mas titingnan mo ang kagandahan ng isang tao kaysa pintasan mo siya. Kung masaya ka at kuntento ka dapat ay masaya ka sa kapwa mo,” deklara niya sa isang panayam.

Isa lang daw naman ang social media niya. Ito’y ang-Instagram. ‘Pag may nangba-bash sa kanya ay blocked agad kaysa patulan niya. Unfair daw na patulan dahil hindi naman daw kilala.Matagal na raw siyang immune sa mga online basher.Hindi na big deal sa kanya.

Ayaw din niyang pag-usapan ang tungkol kay Ate Vi dahil malaki ang respeto niya rito at mahal niya ito. Basta nasa likod lang daw siya ni Gov. Vi.

Tsuk!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …