Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marami ang mapipili sa expansion pool

MATAPOS ang Grand Slam party ng San Mig Coffee na ginanap sa tanggapan ng San Miguel Corporation noong Biyernes ay humupa kahit na paano ang saya sa dibdib ng apat na manlalarong kabilang sa mixers.

Kasi’y nailaglag sila sa unprotected list upang mapagpilian ng dalawang expansion clubs – Kia at Blackwater srts.

Inilagay ng San Mig Coffee sa expansion pool sina Ronnie Matias, JR Cawaling, Lester Alvarez at Ken Bono.

Well, sa apat na players na ito, si Matias ay kabilang sa active list ng koponan sa nakaraang Governors Cup.

Ang tatlong iba ay nasa reserve list at pawang mga practice players na lang ng San Mig Coffee. Pero pinasalamatan sila ni coach Tim Cone na nagsabing malaki ang naging kontribusyon nila sa tagumpay ng koponan dahil sa sila ang talagang bumabangga sa mga stars sa ensayo.

Welll, sakaling mapili sila ng Kia o Blackwater ay makakaganda naman iyon sa kanilang career.

Kasi hindi na sila magiging reserves. Magagamit na sila sa susunod na season.

Tiyak namang mapapakinabangan sila, e.

Kung sakaling hindi naman sila mapipili, ginarantiyahan naman sila ni Rene Pardo na makakabalik sila sa kampo ng San Mig Coffee. Pero siyempre, bilang mga reserang muli o practice players.

Kasi’y malamang na magdadagdag ng players ang Mixers sa pamamagitan ng Rookie Draft. Lalong ninipis ang tsansang mailagay sila sa active list.

So, malamang na nagdarasal ang mga nailaglag sa expansion pool na sana ay mapili sila upang makapaglaro naman.

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …