Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris nakikipagkaibigan lang sa rich and famous

 00 hot carr
ni Ronnie Carrasco III

If we may be allowed to reveal any further, idagdag na rin sa mga gustong kaibiganin ni Kris ang mga tulad niyang may “something” sa dalawang tenga. In short, not only does Kris befriend the rich and famous, kailangang intelihente ring tulad niya.

Sa aming personal na karanasan kay Kris bago pa namin siya nakatrabaho noon sa Startalk at sa The Kris Aquino Show sa PTV 4, we could attest to her—sa wikang Ingles—CONDESCENCION. Simple lang ang ibig ipakahulugan ng salitang ito: pagmamaliit o pagmemenos sa pagkatao ng isang tao.

Sariwa pa sa aming memorya ang pagdalaw namin noon sa set ng pelikulang Ang Siga at Ang Sosyal. Bago mid-90s ‘yon, ang siga ay ginagampanan ni Richard Gomez. Obviously, Kris was the sosyal.

Sa isang beach ang press visit na ‘yon, na nagkaroon muna ng kaswal na interbyuhan kay Kris sa isang open cottage.

Bago pa man ang imbitasyong ‘yon ay bantulot kaming sumama. Admittedly, hindi kami komportable kay Kris na noon pa ma’y kinakikitaan na namin ng mga palatandaang sinusukat niya ang kanyang bawat kausap sa kakayahan, katalinuhan o antas ng edukasyong naabot nito.

Ang  open cottage na ‘yon na sa simula’y napaliligirian ng ilang imbitado ring reporter ay nahubaran ng tao. Kanya-kanyang pulasan na kasi ang mga kabaro namin  who probably chose to swim.

Ang ending: kaming dalawa ni Kris ang naiwan sa pawid-made beach shelter na ‘yon labag man sa aming kalooban.

Kabastusan naman sigurong maituturing kung lalayasan din namin siya.  With only the two of us na tila stranded on an island, neither one of us wanted to break the ice.

Nagtagal ang moments of silence na ‘yon. But knowing Kris na ang baterya ng kanyang utak ay pinagagana ng kanyang matabil na bibig ay hindi rin siya nakatiis na ibuka ito.

Kris: “Ron, where did you graduate?”

Imagine, as an ice-breaker—kung hindi ba naman condescending ang hitad—ay ‘yun agad ang tanong ni Kris?

Ron: “Kris, I graduated from the university of which your aunt (Josephine Cojuangco-Reyes) is the dean of the Institute of Arts and Sciences.”

Halatang nagbago ang facial expression ni Kris, na hindi na nakapagsalita like a mouth gagged.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …