ni John Fontanilla
NAGKAROON ng soft-opening last March 14, 2014 ang Jet 7 Bistro sa Timog Avenue at noong June 7 naman ay nagkaroon ito ng mini presscon/press Party na dinaluhan ng ilang kapatid sa panulat, bloggers, celebrities, at DJ‘s.
Patok na patok at talaga namang dinarayo ang Jet 7 Bistro dahil sa kanilang fine dining at good foods na galing sa iba’t ibang continents, katulad ng Armenian kebab, Dungeness crabs, at ang ipinagmamalaking French-cut rib eye Angus steak.
At masarap ang kanilang pagkain dahil na rin sa husay ng kanilang Chef na sina Chef Cristopher Cordero at Chef Robert Ignacio. At kahit nga kaka-open pa lang nila sa Timog, nakatakda naman silang magbukas ng ikalawang branch sa may Bonifacio Global City.