NAGKAPASA at nagkabukol ang isa sa tumanggap ng German Moreno Youth Achievements Award na ginanap kagabi, July 13 sa grand ballroom ng Solaire Resort and Casino na si Hiro Magalona Peralta dahil sa sobrang paghampas ng payong ni Mariel something.
Sumakit nga raw ang katawan at nilagnat si Hiro sa pagpalo sa kanya ng starlet sa isang eksena sa serye na kahit napaaray na siya ay deadma lang ang hitad at animo‘y nag-enjoy na makasakit.
Kaya naman after ng apat na take ay nagkaroon na ng pasa at bukol si Hiro. Ang isang staff pa raw ang nagsalita sa starlet ng, “Hija dahan- dahan lang sa paghampas, nasasaktan na ang kaeksena mo.”
At kahit nakita nang nasaktan ang binata ay hindi man lamang daw nagawang mag-sorry ng starlet at umalis lang ito sa kanyang kinatatayuan. Calling GMA Artist Center, contract artist n’yo yata ang hitad na starlet na Mariel na ito na dapat pangaralan.