NAGKUKUMAHOG ang mga nanghuhuli ng isda na makabitag ng higanteng mutant catfish makaraan ihayag ng Russian fishing blogger ang pagdami ng nasabing isda malapit sa lugar ng Chernobyl nuclear disaster.
Sa nasabing blog ay nag-post ng larawan ng isang catfish na tinawag ng mga residente bilang Borka, na anila ay mahigit dalawang metro ang haba.
Ang access sa lugar ay limitado lamang dahil sa panganib sa radiation poisoning kaya ang pangingisda sa layuning makain ang isda ay ipinatigil.
Ngunit naging interesado ang sporting fishermen na makahuli makaraan ipahayag sa blog na ang higanteng isda ay maaaring mahuli sa Pripyat River.
Ang ilog ay kontaminado ng radionuclides, ngunit ayon sa sporting fishermen, marami ring higanteng isda sa iba pang bahagi ng ilog sa labas ng exclusion zone.
Sinabi ng local fisherman na si Kondrat Yudin, 38, “I suppose radiation could play a role but I reckon radiation is more likely to give them extra eyeballs and two heads rather than simply making them enormous in size.
“I think the reason is a lot more simple, the bottom line is that nobody is fishing these waters – and that has meant with no natural predator, the catfish has been able to grow to an enormous size.
“For years they haven’t had a problem with fishermen and they are just there for the taking.”
Kinompirma ng local scientists ang paglaki ng mga catfish, at kasalukuyan nang sinusuri upang mabatid kung ang excessive radition levels ang responsable sa kanilang paglaki. (ORANGE QUIRKY NEWS)