NAGHANAP NG TASTE-TEST ANG BEBOT NA INALOK NI LUCKY PERO SIYA ANG NADALE …
‘Yun palang lalaki na unang nagpakilig sa puso ko ay may asawa na. At matapos akong malahian n’yon ay ‘di na nagpakita sa aming mag-ina. Na-in-love akong muli… nabuntis… Kaya lang, ang natapat naman sa akin ay isang lala-king allergy na sa trabaho, e, may bisyo pa. Hayun, nakalaboso ang gago sa pag-aadik.”
Naikuwento rin niya na upang masustentohan ang pangangailangan ng maliliit pang anak ay kinakailangan niyang kumayod nang todo. Dati raw ay naglalabada siya sa ilang kapitbahay. Pero nabakante raw siya sa pagiging isang labandera dahil umano sa hirap ng buhay sa kasalukuyang panahon. Ay! Naging mala-gelatine sa kalambutan ang puso ko sa pagkaawa sa kanya.
Kasabihan, “Kung ibig mong makatulong sa iyong kapwa ay huwag siyang bigyan ng isda kundi turuan siyang manghuli ng isda.”
“Pa’no ka ngayon nabubuhay?” putol ko sa mahaba-haba nang kwento ng aking kakarap sa kinauupuan sofa.
“Pa-sideline-sideline na lang…” ang agad ni-yang naisagot sa akin.
Na-puzzle ako sa sagot ng katabi kong seksi. Bigla siyang tumayo at mabilis na nagkandado sa pinto ng inookupahan niyang entresuwelo. At saka niya ako hinila papasok sa halos iisang dipang kwarto niyon.
Sa tingin ko, sa pagkakataong iyon ay ako ang “isda” na agad nabingwit ng kabanguhan ng seksing bebotski. Pero anak ng teteng! Kaya pala tahimik na tahimik si “Pogi” habang nagpapa-taste test sa akin sa halagang One K ang kanyang amo ay nilalantakan din pala nito ang mga powdered milk at instant chocolate na nakalimutan kong ibalik sa loob ng backpack.
Pinalitaw ko kina ermat at erpat na bukod sa pambibiktima ng dalawang holdaper ay nginatngat pa ng isang asong askal ang aking mga paninda. Madaling naniniwala at kinaawaan pa ako ni ermat sa gawa-gawa kong istorya. Ewan ko kung gayondin ang saloobin ni erpat na walang kaimik-imik na napatitig lang sa akin.
Inabonohan ni ermat ang kabuuang halaga ng mga paninda kong “nginatngat ng aso” pati na ang isang libong pisong “naholdap” (ng seksing bebotski) sa akin. Agad-agad akong nagsadya sa HR office ng A2Z Group of Companies para magre-remit sa napagbentahan ko ng kanilang produkto. (Itutuloy)
ni Rey Atalia