ni Ronnie Carrasco III
As a consequence, parang isang lata ‘yon ng mga bulateng nabuksang muli. Ang matagal na kasing nananahimik na silent rift nina Kris at Ai Ai de las Alas is like a dead person brought back to life.
And take note, nakahanap ng kakampi si Ai Ai sa katauhan ng kanyang bunsong anak na si Sophia sa pagtatanggol sa kanyang ina laban sa mga pro-Kris bashers.
FYI, inaanak ng inyong lingkod si Sophia, then fondly called as Budang noong beybi-beybi pa ito. For Sophia to join the fray in defense of her mom, aba, isang napipintong giyera mundial na ang sasabog sa dating mag-best friends, now seemingly the worst enemies!
Ayon sa kampo ni Ai Ai, mga mayayaman at sikat lang naman daw ang kinakaibigan ni Kris.