LLAMADO si Wesley So sa hanay ng pitong Grandmasters na lalahok sa Association of Chess Professionals (ACP) Golden Classic international chess tournament na nagsimula nitong July 12 sa Bergamo, Italy.
Magtatapos ang torneyo sa July 20.
Ang ACP Golden Classic 2014 na nilahukan ng pitong matitinding GMs ay isa sa 15th na mabigat ng torneyo sa chess ayon sa chessdom.com. May average rating na 2665.
Si Filipino Grandmaster So (2744) na sa edad 20 ay kasalukuyang nasa pang-15thsa World’s Live Rating. Siya ang Top seed sa nasabing torneyo. 2nd seed naman ang 24-year-old Ian Nepomniachtchi (2730) ng Russia.
Ang iba pang kalahok sa ACP Golden Classic 2014 ay sina Georgia No.1 GM Baadur Jobava (2713), 8th-time Hungarian champion Zoltan Almasi(2693), 2001 European champion Emil Sutovsky(2620) mula Israel at dalawa mula sa sa Italy na sina Daniele Vocaturo(2584) at Sabino Brunello(2568).
Narito ang kompletong schedule ng laban ni So: Round 1 kontra kay Emil Sutovsky (July 12), Ian Nepomniachtchi (July 13), kontra Daniele Vocaturo sa July 14, Zoltan Almasi sa July 16, Jobava Baadur sa July 18 at Sabino Brunello sa July 20.