Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tsikas sa Park minanyak

KALABOSO ang isang manyakis na kelot nang tangkaing gahasain ang tulog na tsiks habang katabi ang nobyo sa Navotas City kahapon ng madaling araw.

Kasong Attempted Rape ang kinakaharap ng suspek na si Alvin Saavedra, 29, ng Block 3, Kadima St., Brgy. Tonsuya, Malabon City.

Sa ulat ni SPO2 Belany Dizon, ng Women and Children Protection Desk (WCPD), dakong 4:30 a.m., nang tangkaing reypin ng suspek ang biktima habang nasa madilim na lugar sa Centennial Park, sa C-4 Road, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN).

Ayon sa biktimang itinago sa pangalang Armina, 31, ng Block 2, Flovi Homes, Brgy. Tonsuya, Malabon, magkatabi sila ng kanyang boyfriend na natutulog sa bangko ng park nang maramdaman niya na may humahalik sa kanyang leeg na amoy alak at humihimas sa kanyang tiyan.

Sa kanyang pagdilat ay nakita niya ang suspek kaya sumigaw siya at nakaagaw ng atensyon sa mga tao at nahuli ang suspek habang tumatakas.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …