Tuesday , November 5 2024

Sugal, droga sa MNC talamak (Kampanya pinatindi)

PUSPUSAN ang kampanya ng Manila North Cemetery (MNC) sa pagpuksa ng ilegal na sugal at droga sa loob at paligid ng nasabing libingan.

Kamakailan pinulong ni bagong MNC Administrator Daniel “Dandan” Tan ang kanyang mga tauhan at mga residente sa nasabing lugar kaugnay sa kanilang programa na sawatahin ang lahat ng uri ng ilegal partikular ang ilegal na sugat at droga.

Ang pagkilos ng MNC ay bunsod ng matagal nang problema na pinamumugaran ng masasamang loob gaya ng mga holdaper, snatcher at nagiging kuta ng mga kilabot na tulak ng droga ang paligid ng sementeryo.

Mahigpit na iniutos ni Tan sa kanyang mga tauhan ang pagpapairal ng 24/7 regular na pag-roronda sa apat na sulok at mga eskinitang itinuturing na “hot spot” gaya ng Sampaguita St., na pugad umano ng bentahan ng ilegal na droga.

Pinasusuyod ni Tan ang mga bahay na pinaglalagakan ng tila mga kabuteng video karera machines.

Hinimok ni Tan ang mga residente sa lugar na makiisa sa kalinisan at kaayusan para magkaroon ng isang tahimik at mapayapang himlayan ang mga namayapang mahal sa buhay.

Pinulong din ni Tan ang tricycle drivers at vendors sa area of responsibilty para gawing organisado ang kanyang pamama-lakad.

Ipinagmalaki ni Tan ang nakompiskang shabu, drug parephernalia ng kanyang grupo sa isinagawang operasyon. (BRIAN GEM BILASANO)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *