ni Ed de Leon
MUKHANG magtatagal iyang si Richard Yap, na lalong kilala ngayon bilang si Ser Chief, kasi naa-identify siya talaga sa kanyang ginagampanang characters.Tingnan ninyo ngayon, ang tawag na sa kanya ng mga tao ay “Ser Chief” dahil iyon ang kanyang character doon sa matagumpay na Be Careful With My Heart. Dalawang taon na rin naman ang matagumpay na show, kaya nga magkakaroon sila ng Thanksgiving Concert sa July 25 sa Big Dome.
Nauna riyan, noong kasama naman siya sa serye ni Kim Chiu, nakilala naman siya bilang si “Papa Chen”. Talagang nagagampanan niya nang husto ang mga role niya.