Monday , December 23 2024

PNoy hawak sa leeg ni Abad?

071414_FRONT

ITINANGGI ng Palasyo na hawak ni Budget Secretary Florencio Abad sa leeg si Pangulong Benigno Aquino III kaya hindi mapakawalan ng punong ehekutibo ang kanyang kaalyado.

Itinanggi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang tsismis na may hawak na alas si Abad kaya hindi tinanggap ni Aquino ang kanyang pagbibitiw.

“Wala pong batayan at wala pong katotohanan ang alegasyon na ‘yan. Nagsalita na po ang Pangulo hinggil sa isyu na ‘yan, at sa kanyang talumpati … sa mga susunod pang mga ipapahayag at ipapaliwanag, mas mauunawaan po ng sambayanan ang mga konsiderasyon po ng ating Pangulo at ng pamahalaan hinggil sa mga isyung inilalahad,” ayon kay Coloma.

Si Aquino ay nakatakdang maglahad ng televised address ngayong araw upang talakayin ang DAP.

Itinanggi rin ni Coloma na nagpa-panic na ang gobyerno dahil sa pagpalag ng publiko sa DAP.

“Wala pong panic. Mahinahong-mahinahon po ang ating Pangulo at patuloy pong ginagampanan ng mga miyembro ng Gabinete at ng pambansang pamahalaan ang tungkulin nito,” aniya.

ni ROSE NOVENARIO

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *