Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kampo ni Boy, pumuposisyon na sa 2016 election (Senate seat ang target)

062714 boy abunda

ni ALEX BROSAS

TATAKBO sa 2016 national elections si Boy Abunda.

‘Yan ang aming gut feel. Ngayon pa lang kasi ay tila pumoposisyon na ang kanyang kampo.

Mayroong Abunda 2016 Facebok account na obvious na tungkol sa kanyang political plan.

“This campaign is about overcoming mediocrity, embracing excellence, and changing the face of Philippine politics,” the Facebook account said.

Ang nakatalang misyon ay ito: “There are many ways to serve the country. Ours is to encourage a man, whom we believe will be a great leader and public servant, to run for office – Abunda2016.”

In one of the entries, pinupulsuhan ng FB account ang 2,000 followers nito kung feel ba nilang tumakbo si Tito Boy bilang senator. Many have agreed naman, in fairness.

Ang alam namin ay tatakbo ni Tito Boy sa hometown niya na Borongan, Samar.  When the place was hit by disaster ay pumunta roon si Tito Boy kasama si Kris Aquino para mamahagi ng relief goods. Iyon ang pagpaparamdam niya.

Now, iba na yata ang pananaw ni Tito Boy, mas gusto na niya ang senate seat. And to know kung mayroon siyang chances, ngayon pa lang ay pinupulsuhan na niya ang mga tao sa social media kung may chances siya kapag siya ay tumakbo sa 2016 national elections.

Kung tatakbo si Tito Boy, malamang sa slate ni PNoy siya. Siyempre, it would be payback time for President PNoy kasi noong tumakbo siya ay biglang iniwan ni Tito Boy ang campaign niya for senator Manny Villar kahit na nakapag-umpisa na siya.

Hindi ba’t naisyu na inalok si Tito Boy ng Pangulo na maging head ng Department of Tourism. Nang tanggihan niya, ang partner naman niyang si Bong Quintana ang inalok at tinanggap naman nito ang Assistant Vice President for Entertainment ng PAGCOR.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …