MAY mga salamanders, at mayroon din higanteng Japanese salamander, na masasabing hango sa pelikula na kalaban ni Godzilla.
Ang maalamat na Japanese salamander, na tumitimbang ng 55 pounds at may sukat na 5 talampakan ang haba, ay naninirahan sa mga ilog at bibihirang umahon sa kanilang pinamumugaran.
Subalit isa sa mga amphibian ay bumasag ng tradisyon at nagdesisyong gumapang sa lansangan sa gitna ng liwanag sa Kyoto, Japan.
“Siguro pupunta sa elementary school playground dahil nakaamoy doon ng pagkain,” biro ni Tokyo Desu.
Tinawag ang pulisya sa nasabing insidente at agad na nilagyan ng cordon ang lugar na kinaroroonan ng salamander. Kalaunan ay nagawa nilang himukin ang amphibian na bumalik sa kanyang tira-han sa Kamo River.
Ayon sa mga pag-aaral, ikinokonsi-derang harmless ang mga Japanese salamander. Mahina ang kanilang eyesight, at ang kinakain nila ay isda, alimango, daga at malalaking insekto.
Gayon pa man, opportunistic din at may mga kuwento na naglalarawan sa kanilang dumudukot ng mga sanggol at maliliit na bata.
Maaari din maging agresibo ang Japanese salamander, kapag ininis, at malakas ang kanilang kagat, kaya ipinapayo sa sino mang maka-enkuwentro sa kanila na lumayo at iwasan sila.
Biktima rin sila ng deforestation at pangangaso at kasama sa mga threatened species.
Kinalap ni Tracy Cabrera