Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Granada inihagis ng tandem 2 kritikal

DALAWA katao ang sugatan nang tamaan ng shrapnels matapos hagi-san ng granada ng isang lalaking lulan ng motorsiklo sa Binondo, Maynila kahapon.

Isinugod sa Jose Abad Santos General Hospital ang mga biktimang sina Eloisa Guttierez, 38, vendor, ng Block 1, Unit 83, Baseco Compound, Port Area, Maynila; at Ferdinand Cabaldo, negos-yante, ng Ugong St., Sta. Mesa Hills, Quezon City.

Sa ulat ng Juan Luna Police Community Precinct, alas-2:00 p.m. nang maganap ang pagsabog sa harap ng tindahan ng Lito Whole Saler Sako sa 718 Caballero St., Binondo, Maynila.

Ayon kay SPO3 Henry De Vera, bago maganap ang pagsabog, una nang may nadakip na da-lawang trahabador sa nabanggit na establisimyento na umano’y may naka-binbing warrant of arrest sa kanilang lalawigan.

Pagkatapos ay dumating ang isang lalaking sakay ng motorsiklo at huminto sa tapat ng tindahan at naghagis ng granada.

Nagkataong dumaraan ang mga biktima nang sumabog ang gra-nada.

Ayon sa Manila Police District- Explosive Ordinance Division (MPD-EOD), isang MK2 Fragmentation Hand Grenade ang Granada na su-mabog. (LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …