Sunday , November 17 2024

Filipinas 1941, isang napapanahong obra ni Direk Vince Tañada

071414  Vince Tañada Filipinas 1941
ni Nonie V. Nicasio

BILANG bahagi ng adbokasiya ni Direk Vince Tañada sa teatro at pagpapalaganap ng nasyonalismo sa ating bansa, isa na namang obrang pinamagatang Filipinas 1941, Isang Dulayawit ang handog ng kanilang grupong PSF (Philippine Stager’s Foundation).

Nagsimula na silang magtanghal sa SM North EDSA noong July 12. Sa July 20 naman ang grand opening nito sa St. Scholastica’s College. Tatakbo ang naturang play hanggang March 2015 at magkakaroon ng mga pagtatanghal sa labas ng bansa next year tulad sa Dubai, Abu Dhabi, Qatar, Hong Kong, at Japan.

Kasaysayan ito ng dalawang magkapatid na sina Felipe (Vince) at Nestor (Patrick Libao) noong World War 2 na ang isa ay nakipaglaban sa mga Hapon at ang isa ay nakipagsabwatan naman sa mga kaaway.

Bakit niya naisipang ito ang isulat na play after ng highly successful na Bonifacio, Isang Sarsuwela?

“Naisip ko lang, kasi, I have encountered a lot of people in the past… na may active Filipino na sabihin ko na, magyayabang na ako na katulad ko na hindi lang uupo, hindi lang ‘yung… na may gagawin para sa bayan. At may passive Filipino na katulad ng marami, na maghihintay na lang kung ano ang mangyayari.

“Doon nagsimula iyong symbolism ko e. So what I did, I created two characters which is Felipe and Nestor. Iyong isa, active Filipino na lumaban siya. Iyong isa ay passive na nakipag-colla-borate with the Japanese,” esplika ni Direk Vince.

Pahabol pa niya, “Na magkapatid sila and parang, the people will relate to them e. Na, ‘ano ba ako rito?’ Because this is timeless e, hindi lang ito nasa 1941 e, dahil hanggang ngayon ay mare-realize mo na timely siya.

“The play was created to fortify the Filipino spirit and inspire the youth, kasi, we are experiencing a lot of problems in the country, such as corruption, etcetera.

“I want to create original Filipino musicals, unlike other theater companies that import Broadway musicals. This has really been my advocacy. I believe in the unlimited power and gift of the Filipinos to create their own musicals, so the youth of today can be inspired.”

Ang play bang ito, kapag napanood ng mga kababayan nating Filipino ay magiging proud sila?

“Oo, sobra silang magiging proud na Filipino sila. Iyon ang objective ko talaga e, ang mapataas naman natin iyong antas ng Filipino nationalism.

“Kasi nakakalungkot e… Sa totoo lang, kapag napapanood mo na hindi kumikita iyong mga play na orihinal na katulad ng gagawin namin, pero iyong malalaking play na ini-import natin-na kung mag-ticket price ay limang libo ang pinakamababa e pero tinatao.

“Iyon na kasi ang cultural identity natin e, kaya kung wala tayong gagawin ay kalalakihan na ng mga anak natin iyon. Na kapag may dumalaw ditong K-Pop, iyon iyong mas magaling (sa isip natin). Pero kung tutuusin mo, kapag titingnan mo sila, lipsynch lang sila e, hindi sila magaling at mas magaling ta-yong mga Filipino talaga, pero hindi natin tinatangkilik (ang sariling atin).

“Kaya as an artist ay nakaka-frustrate talaga nang sobra. Kaya lang, If I will just stop, walang mangyayari. So, I’ll just do my thing,” himutok pa ng tinaguriang Bad Boy of Philippine Theater.

Ayon kay Direk Vince na siya rin sumulat at nagdirek nito, ang Filipinas 1941ay mas malaki sa Bonifacio.

“Well, in terms of production value, malaki ‘to kasi humongous iyong set namin. Iyong Bonifacio is very simple, e. Here, we have more cast members. It’s a full musical, the music was created again by Pipo Cifra and now we capitalize on the absurd movement and choreography.

“What I did, instead of bringing humongous set abroad or in the provincial shows, what I did, I made the cast members na part of the set. So, if there will be mountains to climb, it will be the cast members who will act as the mountain,” saad pa niya.

Bukod kina Direk Vince at Patrick, alternate nila rito sina Kevin Posadas at Kenneth Sadsad respectively.

Kabilang sa magsisiganap sina Cindy Liper (Emilia), Adelle Ibarrientos (Sophia), Jomar Bautista (President Manuel L. Quezon), JP Lopez (Jose P. Laurel), Chris Lim (Gen. Douglas MacArthur), Raymond Rances (General Yamashita), Reggie de la Vega (General Homma), Paul Garcia (General Masanobu), at iba pa.

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *