Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Expansion draft ng PBA inaantabayanan

KOMPIYANSA ang dalawang expansion teams ng PBA na Blackwater Sports at Kia Motors na magiging produktibo ang kanilang pagsali sa expansion draft ng liga na gagawin sa Hulyo 18 sa opisina ng PBA sa Libis, Quezon City.

Inilabas noong Biyernes ni PBA Commissioner Chito Salud ang kumpletong listahan ng mga manlalarong kasama sa expansion draft na hindi protektado ng kani-kanilang mga koponan.

Kasama sa listahan sina Danny Ildefonso at Paul Artadi ng Meralco, Bonbon Custodio at Jason Deutchmann ng Barako Bull, Ronnie Matias ng San Mig Coffee, Nick Belasco at Ryan Buenafe ng Alaska, Larry Rodriguez at Alex Nuyles ng Rain or Shine, Jojo Duncil ng San Miguel Beer, Jai Reyes ng Talk n Text, Wynne Arboleda at Mike Burtscher ng Air21 (na nabili ng NLEX), Jens Knuttel ng Ginebra at Val Acuna ng Globalport.

Bukod dito, may ilang mga beterano ng PBA na free agents tulad nina Kerby Raymundo, Rich Alvarez, Don Allado, Renren Ritualo, Reil Cervantes, Gilbert Bulawan, Allan Mangahas at Roger Yap.

Huling nagkaroon ang PBA ng dispersal draft noong 2000 nang pumasok ang Red Bull sa liga ngunit tanging sina Edmund Reyes, Ato Agustin at Glenn Capacio lang ang nakuha ng mga Barako dahil direkta nilang isinama ang mga manlalaro nila sa PBL noon sa pangunguna ni Raymundo.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …