NANGANGAMBA si Bayan Muna Rep. Congressman Neri Colmenares na posibleng justification ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ang mangyayari sa gagawing imbestigasyon ng Senado sa Hulyo 21, 2014.
Ayon kay Colmenares, alam niyang ipagtatanggol ang DAP sa gagawing imbestigasyon, dahil karamihan ng mga miyembro ng Senado ay kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III.
Dagdag pa ng mambabatas, inaasahan niya na ang taongbayan pa ang magigisa sa sariling mantika kung sakaling walang patunguhan ang imbestigasyon ng Senado sa DAP na napaglaanan ng P372 billion.
Umaasa na lamang ngayon si Colmenares na pag-aralan ng mga senador ang DAP para may maayos silang tanong laban kay Sec. Butch Abad.
Samantala, kung wala aniyang mangyayari, pinangangambahan ni Colmenares ang magaganap na show ng Liberal Party para palambutin ang taongbayan kaugnay ng DAP sa gaganaping imbestigasyon.
Kaugnay nito, itinakda ang committe hearing ng DAP sa Senado na pangunguhan ni Sen. Chiz Escudero, chairman ng Senate finance committee.