Sunday , March 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barthelemy kontra Farenas

NANALO si Rances Barthelemy ng Cuba kay Argenis Mendez sa kanilang rematch sa American Airlines Center sa Miami, Florida para mapanalunan ang IBF super featherweight crown.

Inaasahan naman ng kampo ni Michael “Hammer Fist” Farenas na siya ang magiging unang asignatura ni Barthlemy sa pagdepensa nito sa tangang korona.

Pero sa huling development, nagphayag si IBF Championship Committee chairman Lindsey Tucker na ipinarating kay dating two division world champion Gerry Penalosa na humahawak kay Farenas na walang “ruling” na nakapaloob sa labang Barthelemy-Mendez rematch na haharapin ng winner nito ang mananalo sa Farenas-Davis title eliminator para sa mandatory title defense.

Kamakailan ay ginulpe ni Farenas ang walang talong si Mark Davis ng USA sa title eliminator sa Foxwoods Resort and Casino sa Connecticut noong July 3 para magkaroon ng pagkakataong makaharap ang mananalo sa rematch nina Mendez at Barthelemy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NCRAA Pato Gregorio Buddy Encarnado

DLSU-Dasmariñas, U-Luzon panalo sa pagbubukas ng NCRAA Season 32

DASMARIÑAS, CAVITE — MAGKASALO sa spotlight ang DLSU-Dasmariñas at University of Luzon matapos kapwa magwagi …

PSC BCDA John Hay Sports Center Baguio

PSC, BCDA nagtulungan upang gawing pangunahing sentro ng sports tourism ang John Hay sa Baguio

BAGUIO CITY — ISANG bagong yugto sa pag-unlad ng palakasan sa Pilipinas ang nagsimula sa …

Sam Kerr Football

Sa AFC Women’s Asian Cup
Matildas tinalo ang Filipinas sa goal ni Kerr

Burswood, Perth — ANG nagbabalik na star striker na si Sam Kerr ang umiskor ng …

Arbois Hallasgo Tokyo Marathon

Arbois, Hallasgo kumikig sa Tokyo Marathon; SEA Games record binura

MISTULANG patunay sa matikas na pagbabago ang pamosong Tokyo Marathon nang kapwa umukit ng gintong …

AFC Womens Asian Cup 2026

Filipinas vs. Australia: Pambungad na Laban sa AFC Women’s Asian Cup 2026

PERTH, Australia — NAKASANAYAN na ng Philippine national women’s football team ang maaraw, maaliwalas, at …