ni Vir Gonzales
HINDI nakapagtataka kung bakit mahusay umarte ang binatang anak ni Sylvia Sanchez, si Arjo atayde na napupuri sa teleseryeng Pure Love.
Galing si Arjo sa angkan ng mga artista. Lolo niya si Bob Solor, pinsan si Bembol Roco, Tito niya si Eddie Gutierrez bukod sa nanay pa si Sylvia. Saan pa nga ba magmamana si Arjo?
Problema lang kay Arjo, kaagad tinamaan ng pag-ibig kay Alex Gonzaga na mukhang ‘di naman interesado sa pag-ibig pa. Gusto pa raw kasi ni Alex magpakasawa bilang isang malaya. Walang commitment.