ni Rommel Placente
NOON pa pala ay pangarap na ni Alex Gonzaga na makagawa ng remake ng isang Koreanovela. Kaya naman sobrang happy siya na siya ang kinuhang bida ng ABS-CBN 2 sa Pure Love, ang local adaptation ng hit koreanovela na 49 Days.“Parang hindi talaga ako makapaniwala kasi ito talaga ‘yung pinapangarap ko rati, no joke talaga, gusto ko magka-Koreanovela talaga. Ito talaga ‘yung inire-request ko kahit noong nasa kabila pa ako ito talaga, ‘yung ganitong klaseng serye. Sobrang thankful ko talaga,” sabi ni Alex.
Katambal ni Alex sa nasabing serye si Arjo Atayde na aminadong nanliligaw sa kanya ngayon. Ngunit ayon kay Alex, hindi siya sigurado kung talaga bang nanliligaw ang binatang aktor sa kanya.
“Hindi kasi talaga siya formally nagsasabi o nag-a-I love you siya, wala kaming ganoon,” aniya pa.