Friday , November 22 2024

PNoy may ibubunyag sa isyu ng DAP (Matapos tanggihan ang resignasyon ni Abad)

071314_FRONT

MAY ihahayag si Pangulong Benigno Aquino III bukas hinggil sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) na idinelara ng Korte Suprema na unconstitutional ang ilang probisyon.

“ On Monday mukhang may ibang…We can probably expect a few more — may mga public engagement din po yata ang Pangulo at siguro iyong…We’ll hear more from the President perhaps in the coming Monday,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Ihahayag ng Pangulo na isasahimpapawid sa  pambansang telebisyon ang kanyang President’s National Address sa Lunes, ganap na 6:00 p.m. at inaasahang nakasentro ito sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Hiniling ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., sa mga kasapi ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na iere ang talumpati ng Pangulo sa kani-kanilang himpilan ng radio at telebisyon.

Tiniyak din ni Valte na nakahandang humarap si Budget Secretary Florencio Abad sa isasagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa DAP at kahit wala raw ang Senate probe ay isasapubliko din ng Palasyo ang listahan ng 116 DAP-funded projects kapag nakompleto na ang mga dokumento.

Binigyang-diin ni Valte na buo pa rin ang tiwala ng Pangulo kay Abad at humirit pa na huwag nang bigyan pa ng kulay ang pagbasura ng Punong Ehekutibo sa pagbibitiw ng Budget secretary kamakalawa.

“Tingin ko huwag na natin dagdagan pa ng ibang dahilan kasi malinaw iyong naging dahilan ng Pangulo e. Hindi ba maikli iyong naging pahayag niya pero malinaw so huwag na nating subukan pang dagdagan para lang magkaroon  ng pag-uusapan. Kumbaga, I think to everyone else, the President made his statement very clear, that was very precise, so huwag na natin pang lagyan ng iba pang dahilan kung saan wala namang iba pang dahilan,” aniya.

ni ROSE NOVENARIO

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *