Saturday , November 23 2024

P38.6-B malaking tulong vs baha sa 2015 — Palasyo

071314 flood baha money

NANINIWALA ang Malacañang na malaking bagay ang idinagdag sa pondo ng Climate Change Adaptation and Mitigation Risk Resiliency Program sa 2015 proposed national budget para maibsan ang mga pagbaha sa bansa.

Partikular sa dinagdagan ang flood-control and drainage projects ng DPWH na ginawang P38.6 billion mula sa dating P34.4 billion.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi sapat na pagtuunan ang relief and rehabilitation efforts, bagkus mas mainam na tutukan ang paghahanda bago pa man dumating ang kalamidad.

Ayon kay Valte, tiyak na malaking bagay ito para maibsan ang pinsalang dulot ng mga pagbaha at bagyong lalo pang lumalakas.

“I think iyong climate change advocates in the Cabinet would welcome that particular increase at hopefully that, ano, — that stays because kasama po ‘yan apart from dealing with the aftermath of any disaster iyong ina-anticipate po nating changes should be in place para mabawasan ho iyong effect at hindi lamang iyong maglalagay po tayo ng pondo para iyong…Kumbaga kung baha na, kumbaga iyong [how do you say that?]…na we should not be only putting budget to be able to do relief and rehabilitation but a lot of that will be saved if we do a lot of preparations before a disaster actually happens. So, iyong flood mitigation would greatly help in these efforts,” ani Valte.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *