SINABI ng isang administration senator na dapat maghanda si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa paghingi ng paumanhin sa taong bayan kaugnay ng kontrobersiyal na P142 bilyon Disbursement Acceleration Program (DAP).
Tahasang sinabi ni Sen. Serge Osmeña, dapat gayahin ni Aquino si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na humingi ng patawad sa kanyang pagkakamali kaugnay ng Hello Garci scandal, o dayaan noong 2004 presidential elections.
Sinabi ni Osmeña, dapat gawin ito ni Pangulong Aquino at maghanda ng kanyang paliwanag sa multi-billion peso scandal kasabay ng kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 28.
Kasabay nito, binatikos ng senador ang mabilis na pag-abswelto ng Malacañang kay Budget Sec. Butch Abad.
Bukod sa oposisyon, kabilang na rin ang kaalyadong senador ni Pangulong Aquino sa mga nanawagan sa Malacañang ng paliwanag kaugnay ng isyu sa DAP lalo na ang itinuturong “archetic” na si Sec. Abad.
Ang Senado ay nakatakdang magpatawag ng public hearing kaugnay sa isyu ng DAP at ipinahaharap sa pagdinig si Abad at ilang opisyal ng pamahalaan.