Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Puso sa Puso sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh

HUWAG kaligtaan ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. sa GMA News TV5 programa ang Gandang Ricky Reyes, Todo Na Toh (GRR TNT) ang episode na Puso Sa Puso.

Mga kuwentong tatagos at hahaplos sa inyong puso ang hatid ng host-producer ng show na si Mader Ricky Reyes.

Una rito’y ang pagtupad sa taos-pusong kahilingan ng isang ginang na may sakit na cancer. Nakalbo ang ginang dahil sa chemotherapy at gusto niyang gulatin ang mga mahal sa buhay sa pagkakaroon ng buhok.  Isang wig na yari sa buhok ng tao ang inilagay ni Mader sa ulo ng ginang na halos mapahagulgol sa kanyang bagong angking kagandahan.

Personal na paborito ni Mader ang seryeng Ang Dalawang Mrs. Real. Isang araw ay dumalaw siya sa set para interbyuhin sina Dingdong Dantes at Lovi Poe.

Masisisi ba ang isang lalaki na dalawa ang napusuan, minahal at pinakasalan? Tutok lang sa GRR TNT para malaman natin kung ano ang masasabi rito nina Dingdong at Lovi.

Usapang puso pa rin … at ito’y ang pagbibigay ni Mader ng mga pagkain at food supplement para maiwasan ang sakit sa puso.

Lahat ng ito at iba pa sa GRR TNT na matutunghayan ang mga panoorin tungkol sa kalusugan, kagandahan, tao, happening at kabuhayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …