ni Pilar Mateo
NANG sumalang siya as judge sa It’s Showtime, inisip na agad ng mga miron na malamang may usapan ng lipatan na mangyayari sa R&B Prince na si Jay-R.
Hindi naman ito itinatwa ni Jay-R nang usisain siya about it at ang buwelta nga niyang tanong eh, kung gusto ba naman siya ng Kapamilya?
Naungkat din ang disin sana’y pag-arangkada na niya noon sa ABS-CBN pero may naging ibang desisyon ang manager niya.
Ngayong naka-10 dekada na si Jay-R sa pagiging R&B Prince niya na walang naniwala noong una na magtatagal, natutuwa ang singer sa mga pagbabagong malamang na harapin niya kung lahat nga ng pag-uusap ay magiging maayos.
Samantala, he vehemently denied na may physical and verbal abuse na mga rason sa paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend na si Krista Miller.
“A lot of things have been said, a lot of feelings thrown out there. It’s normal stuff. We’re civil. We talk from time to time. I deny the abuse!”