Sunday , November 24 2024

La Salle sisimulan ang pagdepensa ng korona

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum)

12 nn – Opening ceremonies

2 pm – UE vs. UP

4 pm – La Salle vs. FEU

UUMPISAHAN ng La Salle Green Archers ang pagdedepensa sa korona sa salpukan nila ng Far Eastern University Tamaraws sa pagbubukas ng 77th University Athletic Association of the Philippines UAAP) men’s basketball tournament mamayang 4 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na 2 pm ay magkakasubukan ang host University of the East Red Warriors at University of the Philippines Fighting Maroons.

Nakakumpleto ng ‘Cinderella finish’ si coach Juno Sauler nang igiya niya ang Green Archers sa kampeonato noong nakaraang season.

Halos intact ang Green Archers at tanging ang point guard na si LA Tenorio ang nawala sa line-up at umakyat sa PBA.

Ang La Salle ay pamumunuan pa rin ng mga big men na sina Norberto Torres, Arnold Van Opstal at Yutien Andrada. Kabilang din sa mga inaasahan ni Sauler sina Jeron Teng, Jason Perkins at Almond Vosotros.

Ang FEU Tamaraws, na gagabayan din ni Nash Racela sa ikalawang season, ay sumasadig kina Anthony Hargrove, Roger Pogoy, Russel Escoto, Bryan Cruz at Reymark Belo.

Noong nakaraang season ay natalo ang Tamaraws sa Green Archers sa Final Four.

Ang UE Warriors ay gagabayan ngayon ng beteranong coach na si Derick Pumaren na humalili kay David Zamar.

Ang Red Warriors, na hindi umabot sa Final Four noong nakaraang season, ay patuloy na aasa sa foreigner na si Charles Mammie na susuportahan nina Roi Sumang at Gino Jumao-as.

Nangako naman si coach Rey Madrid na maiaahon niya ang Fighting Maroons na nangulelat noong nakaraang taon. Hinalinhan ni Madrid si Ricky Dandan bilang head cach ng UP sa huling tatlong games.

Magsisilbing main man ng Fighting Maroons ang dating Xavier High standout na si Kyles Jefferson Lao.

Bukas ay magkikita naman ang Adamson Falcons at Ateneo Blue Eagles sa Araneta Coliseum sa ganap na 2 pm. Susundan ito ng bakbakan sa pagitan ng National University Bulldogs at University of Santo Tomas Growling Tigers sa ganap na 4 pm.

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *