ni Pilar Mateo
AT naibalik na nga ang lisensiya ni Hayden Kho bilang doktor.
Inobserbahan naman pala siya sa loob ng dalawang taon ng mga taong bumawi nito sa kanya at nakita naman daw nila na naging consistent naman ito sa ginawa niyang mga pagbabago sa buhay niya.
Walang puknat ang pasalamat ni Hayden sa mga naging kapanalig din niya sa pananampalataya sa Panginoon.
Ang isa sa mga nagbigay noon ng hatol kay Hayden na nilapitan ni Katrina Halili, na si Senator Bong Revilla, Jr. ang siyang behind bars at umaamot din ng awa sa Panginoon at sa sambayanan for second chances.
Aapila naman ang kampo ni Katrina sa nasabing pangyayari. Hindi niya matanggap na nabiyayaan si Hayden ng kanyang lisensiya.