Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolas balik-PBA

ISA si Jojo Lastimosa sa mga magiging assistant coaches ng North Luzon Expressway (NLEX) sa una nitong pagsabak sa PBA 40th season na magsisimula sa Oktubre 19.

Kinpompirma ng isang opisyal ng NLEX na si Lastimosa ay magiging chief assistant ni Boyet Fernandez na hahawak sa Road Warriors bilang head coach pagkatapos ng kampanya ng San Beda College sa NCAA.

Si Fernandez ay coach din ng Red Lions na nangunguna ngayon sa NCAA na may tatlong sunod na panalo.

Bukod kay Lastimosa, kasama rin sa coaching staff ng NLEX ang mga dating assistant coaches ni Fernandez na sina Adonis Tierra, Raymond Celis, Ford Arao at Jay Serrano.

Idinagdag din sa staff ng Road Warriors si Sandy Arespacochaga na dating taga-Talk n Text.

Isa ang NLEX sa tatlong bagong koponang sasabak sa bagong PBA season na magsisimula sa Oktubre, kasama ang Blackwater Sports at KIA Motors.

Samantala, sinabi ng nasabing opisyal ng NLEX na mananatili ang koponan sa PBA D League at gagamitin ang pangalang Philex o Cignal TV.

Ang mga manlalaro ng San Beda ay bubuo sa bagong koponan ng MVP Group sa D League.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …