Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ildefonso pangungunahan ang expansion pool

KINOMPIRMA kahapon ng team manager ng Meralco na si Butch Antonio na inilagay na ng Bolts ang beteranong sentrong si Danny Ildefonso sa expansion pool para sa expansion draft ng PBA na gagawin sa Hulyo 18.

Ang 37-anyos na si Ildefonso ay nag-average lang ng 3.1 puntos at 2.1 rebounds sa kanyang paglalaro sa Bolts noong huling PBA season.

“It was agreed upon by the coaching staff that we don’t protect Danny I,” wika ni Antonio. “It was a hard decision for us because ang dami naming mga players na protektado namin.”

Pumirma ng isang taong kontrata si Ildefonso sa Meralco pagkatapos na pakawalan siya ng San Miguel Beer kung saan tumagal siya ng halos 15 taon.

Bukod kay Ildefonso, inilagay rin ng Meralco sa expansion pool sina Paul Artadi, Mark Bringas, Nelbert Omolon at Chris Timberlake.

Inaasahang isasama rin sa expansion pool sina Wynne Arboleda at Mike Burtscher ng NLEX (dating Air21), Nic Belasco ng Alaska, Tyrone Tang ng Rain or Shine, Jai Reyes ng Talk n Text, Roger Yap ng Barako Bull, Ronnie Matias ng San Mig Coffee at Jojo Duncil ng San Miguel Beer.

Ang expansion draft ay sasalihan ng dalawang expansion teams na Blackwater Sports at Kia Motors.

“Siguro, isa o dalawa hanggang limang quality players may makukuha ako dyan. Pero sabi ko nga sa coaching staff ko, didiskertehan na lang namin kung paano kami makakabuo ng team na competitive for next season,” ayon kay Blackwater team owner Dioceldo Sy.

Sa panig ng Rain or Shine, sinabi ng team manager na si Boy Lapid na si coach Yeng Guiao ay magdedesisyon kung sino ang ilalagay ng Elasto Painters sa expansion pool samantalang sa San Mig Coffee naman ay sinabi ng board governor na si Rene Pardo na mananatili si Jerwin Gaco sa lineup ng Coffee Mixers sa susunod na season.

Samantala, sinabi ng PBA media bureau chief na si Willie Marcial na puwedeng protektahan ng sampung mga koponan, kasama ang NLEX, ng 10 hanggang sa 13 na manlalaro depende sa kani-kanilang mga kailangan.

“Hindi naman kasi talaga protect 12 yan eh. Ang talagang usapan dyan, may ibang teams protect 12, may iba protect 13. Nasa mga teams na nga kung magpo-protect 10 pa sila,” ani Marcial.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …