
Dinagsa ng libo-libong fans at TV viewers ang ginanap na back-to-back fans’ day ng dalawang top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na Ikaw Lamang at Dyesebel. Umapaw ang saya, kilig, at musika sa Market! Market! Activity Center noong Sabado at Linggo (Hulyo 5 at 6) sa mga sorpresang inihanda ng Ikaw Lamang stars na sina Coco Martin at Julia Montes, at ng Dyesebel love team nina Anne Curtis at Gerald Anderson. Kasama nina Coco at Julia noong Sabado ang official soundtrack singers ng Ikaw Lamang na sina Juris at Marion Aunor, samantalang kasama naman nina Anne at Gerald noong Linggo ang mga kaibigan ni Dyesebel (Anne) na sina Pinky Pusit at Karlo Kabayo. Ang master teleseryeng Ikaw Lamang at pinakabagong TV adaptation ng Mars Ravelo classic na Dyesebel ay parehong obra na nilikha ng Dreamscape Entertainment Television.
Check Also
Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan
MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …
Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show
NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …
Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa
ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …
Alden malabong magkadyowa
MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …
Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong
ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com