Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, pinormahan din ni Sen. Bong?

071214 ellen bong
ni Roldan Castro
 

MARIING itinanggi at binawi ni Ellen Adarna ang isyung niligawan siya ni Senator Bong Revilla nang dalawin siya sa  set ng Moon of Desire para sa announcement na extended ang nasabing teleserye na tampok din sina Meg Imperial at JC De Vera.

“Hindi siya nanligaw! Walang ligaw na naganap. Nag-text lang! Once! ‘Yun lang ‘yon. But nothing, ‘Can we meet up somewhere?’ Walang ganoon,” paliwanag niya.

Nagkatrabaho kasi sila rati sa Si Agimat at Enteng at humantong sa text. Nagkakabiruan lang daw dati.

“Weh?’ Ginaganoon ko lang siya. Parang binabara ko lang siya minsan. And then when he texted me… I forgot, eh. I forgot the message. Once lang ‘yon, and then it never happened again,” aniya pa.

Friendly text lang daw ‘yun. Binawi na niya ang pahayag niya noon na nagpapadala ng “hi-hello” text messages si Senator Bong na parang nagpapahiwatig na gusto siyang pormahan noon. Ang naturang interview ay lumabas sa podcast ng 40 Forbidden Questions With Ellen ni DJ Mo Twister noong September 2013. Sey na lang ni Ellen nakainom daw siya ng alak kaya kung ano-ano na ang nasasabi niya that time.

“Nothing weird,” dagdag pa niya.

May balak ba siyang dalawin sa kulungan si Senator Bong? Ano ang masasabi niya sa pinagdaraanan ng actor-politician.

“Hindi kami ganoon ka-close! I don’t know, but… Ewan ko. I don’t want to say anything about that. Marami na ano… Maraming matatamaan,” bulalas pa niya sabay tawa.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …