Sunday , March 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby Nate, marunong nang magbasa

ni john fontanilla

MASAYANG ikinuwento ng Let‘s Ask Pilipinas Season 2 host na mapapanood simula July 7, 11:15 a.m. mula Monday hanggang Friday sa TV5 na si  Ogie Alcasid na ang  kanyang 2 ½ baby boy na si Nate  ay marunong nang magbasa.

Tsika pa ni Ogie, nagulat nga raw sila ng kanyang maybahay na si Regine Velasquez nang malaman nilang marunong na magbasa si Nate.

Dagdag pa ni Ogie na plano na nga nilang sundan si Baby Nate, pero hindi sila makabuo pero pinipilit daw nila para magkaroon ng kapatid si Nate. Kahit nga daw busy sila ni Regine sa rami ng kanilang trabaho ay gumagawa pa rin sila ng paraan ni Regine para masundan si Nate.

Kuwento naman ni Ogie na malaking pressure sa kanya ang paghalili bilang host ng Let‘s Ask Pilipinas lalo na‘t masyadong nag-click sa mga manonood si Aga Muhlach, pero gagawin niya ang lahat-lahat para ‘di man mahigitan ay mapantayan niya ang energy ng actor sa pagho-host ng inaabangang interactive game show sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …