ANG best feng shui advice ay palaging tandaan na mabatid ang kalidad ng indoor air at alamin kung paano ito mapagbubuti pa.
Ayon sa pagsasaliksik, ang indoor pollution ay higit na matindi kaysa outdoor pollution.
Ang best feng solution ay ang palamutian ang inyong bahay o opisina ng indoor plants.
Narito ang listahan ng top air-purifying plants, ayon sa NASA research noong 1980s.
Ilagay ang mga ito sa inyong bahay o opisina at hayaan itong gawin ang kanilang trabaho, ang linisin ang hangin at punuin ito ng oxygen.
*Area Palm – Nag-aalis ng indoor air toxins. Ang dahon ay malamyos ang paggalaw na magpapabanayad sa enerhiya ng bahay o opisina.
*Lady Palm – Nag-aalis ng karamihan sa indoor pollutants. Kabilang sa best plants sa pagpapabuti ng indoor air quality.
*Bamboo Palm – Nag-aalis ng Benzene, Trichloroethylene, at Formaldehyde. Nagdaragdag ng peaceful, tropical feeling sa alin mang lugar.
*Rubber Plant – Nag-aalis ng karamihan sa pollutants, lalo na ang Formaldehyde. May kakahayan na mag-alis ang toxins sa ano man indoor environment.
*Dracaena Janet Craig – Nag-aalis ng karamihan sa pollutants, lalo na ang Trichloroethylene. Best sa dracaenas family sa pag-aalis ng chemical toxins sa bahay o opisina.
*English Ivy – Nag-aalis ng karamihan sa pollutants, lalo ang Formaldehyde. Madaling tumubo maliban sa mainit na temperatura.
*Dwarf Date Palm – nag-aalis ng halos lahat ng pollutants, lalo ang Xylene. Mainam kahit sa mababang level ng liwanag.
*Ficus Alii – Nag-aalis ng karamihan sa pollutants, lalo ang Formaldehyde.
*Bosto Fern – Nag-aalis ng karamihan sa pollutants, lalo ang Formaldehyde.
*Peace Lily – Nag-aalis ng alcohol at acetone, Trichloroethylene, Benzene at formaldehyde. Nagdudulot ng malakas at pahayagang enerhiya.
Lady Choi