Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 miyembro ng gunrunning, drug syndicate timbog sa checkpoint

LIMA katao ang dinakip ng pulisya matapos mahulihan ng baril at shabu habang sakay ng tricycle sa Malabon City kahapon ng mada-ling-araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Jame Patrick Ermac, 22; Rodel Cruz, 33; Anthony Sarmiento, 22; Gloreto Flor, 24, pawang residente ng Block 93, Lot 7, Phase 2, Area 2, North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas City at Johnxander Bautista,20, ng Hasa-Hasa, Brgy. Longos, Malabon.

Sa ulat ni SPO1 Edsel Dela Paz, dakong 2:30 a.m. nang masakote ang mga suspek sa isang checkpoint sa kanto ng McArthur Highway at Pinagtipunan Circle , Brgy. Potrero.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa sila ng Oplan Sita nang dumating ang isang Rusi tricycle na may plakang 1114- NU sakay ang mga suspek.

Imbes huminto sa checkpoint ay humarurot ng takbo ang tricycle kaya nagkaroon ng habolan.

Nakuha ng mga awtoridad ang mga baril, shabu at patalim mula sa mga suspek na nakapiit na sa dentetion cell ng Malabon City Police.

Kasong RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions), Violation of Dangerous Drugs Act at Concealing of Deadly Wea-pon ang isasampa laban sa mga suspek.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …