Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 bus nasunog sa Pasay welder nalapnos

KRITKAL ang isang welder nang tangkaing iligtas ang kanilang gamit sa nasusunog na limang unit ng United Land Transport and Bus Company (ULTRA BUS) sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Inoobserbahan sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Noel Reyes, 26, stay-in sa Ultra Bus, sa Don Carlos St., Barangay 190, ng nasabing siyudad sanhi ng 2nd degree burns sa katawan.

Sa report ng Pasay City Bureau Fire Protection (BFP), dakong 2:00 a.m. nang magliyab ang garahe ng kompanya.

Pahayag ng nagrorondang barangay tanod, nakita nilang may usok sa garahe ng Ultra Bus hanggang sa may sumabog at kumalat ang apoy.

Tumagal ng dalawang oras ang sunog at walang iniulat na namatay bukod kay Reyes na nasunog ang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa ng mapping operation ang mga tauhan ng BFP upang tiyaking ligtas ang lugar. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …