KINASUHAN na sa Department of Justice (DoJ) ang 20 suspek sa madugong hazing sa apat neophytes ng Tau Gamma Phi, De La Salle College of St. Benilde Chapter, na ikinamatay ng 18-anyos na si Guillo Cesar Servando.
Kabilang sa nahaharap sa paglabag sa Section 4 ng Anti-Hazing Law ay sina Cody Errol Morales, Daniel Paul Martin “Pope” Bautista, Kurt Michael Alamazan, Luis Solomon “Louie” Arevalo, Carl Francis Loresca, Jomar Pajarito, Vic Angelo Dy, Mark Ramos, Mike Castaneda, Tessa Dayanghirang, Yssa Valbuena, isang alias Rey Jay, Emerson Nathaniel Calupas, Hans Killian Tatlonghari, Eleazar III Pablico, John Kevin Navoa at isang alyas Kiko.
Nagreklamo ang ama ng biktimang si Servando, sa NBI, Manila Police District at Makati City Police.
Samantala, kinompirma ng Bureau of Immigration (BI) na apat sa 20 suspek sa Servando hazing case ang nakalabas ng bansa.
Ayon kay BI Spokesperson Elaine Tan, ang apat ay sina Emerson Nathaniel Calupas, Hans Killian Tatlonghari, Eleazar III Pablico, at John Kevin Navoa.
Si Navoa ay una nang nakalabas patungong United States noon pang Hulyo 1.
Hindi pa matukoy ng BI kung kailan nakalabas sina Calupas, Tatlonghari at Pablico.
Sa ngayon, sinusuri pa ng BI ang travel records ng iba pang mga suspek.
(LEONARD BASILIO)