NABULABOG ang mga nag-aabang ng pork barrel proceedings sa Sandiganbayan nang umeksena ang mga empleyado ng anti-graft court para hilingin ang dagdag na sahod at pagharang sa tax increase.
Ayon sa Sandiganbayan Employees Association, matagal na nilang hinihintay ang dagdag na sahod kaya labis ang kanilang pagkadesmaya na dagdag buwis pala ang kanilang aabutin.
Nagladlad pa ng malaking tarpaulin ang mga empleyado na nagsasaad ng kanilang mga karaingan sa pamahalaan.
Tiniyak ng mga empleyado na hindi naaapektohan ang kanilang trabaho sa kabila ng mga kahalintulad na pagkilos.
Aminado ang ibang tauhan ng korte na sinamantala nila ang presensya ng media upang mabilis silang mapakinggan ng mga kinauukulan.