Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Primetime Queen ng network, butata sa ratings ang show

ni Ronnie Carrasco III

PLASTICITY set aside, nalulungkot kami sa dismal ratings ng bagong show ni CPA(currently popular actress). Sa pilot episode nito, her show rated a 9 something percent. Maganda na sana ang figures, ‘yun nga lang, kinabog pa rin ito ng katapat na programa that registered a 14 plus percent.

Sayaw versus kantahan ang labanan, the “voice” prevailed over the “groove.”

However, we gave CPA’s show the benefit of the doubt. Asang-asa kami na papalo sa ratings ang ikalawang episode ng kanyang weekend show, hindi man nito talunin ang “boses,” kahit paano’y didikit ang ratings ng “indak.”

After all, kitang-kita naman kasi ang effort ni CPA sa paulit-ulit na plug ng kanyang show, and for that we give her an “A” for her walang-kapaguran, pawis-pawisan at makabaling-butong dance steps that would give choreographers Maribeth Bitchara, Geleen Eugenio and Joy Cancio a run for their money!

Sadly, and very sadly, ang show ni CPA dipped to 7 something percent na doblehin mo ay siyang rating ng katapat nitong show!

So, what exactly is this telling us? Malinaw na sinilip lang ng mga manonood ang pilot episode ng show ni CPA, nagmumura nga naman kasi ang plug nito. Idagdag pa ang mga laksa-laksang tagahanga ng kanyang celebrity guests.

Again, very sadly, hindi na-sustain ni CPA ang viewers’ interest para subaybayan ang sumunod na episode.

And again, sincerely (sincerely daw, o!), ikinadurog ng aming puso ang magsisilbi na yatang pattern in terms of ratings ng show ni CPA. Please lang, give this CPA her well-deserved chance to prove na kayang magmilagro ang kanyang show to deliver the desired ratings.

Mag-move on na tayo. Bahagi na ng bitter past ni CPA ang pagiging flopchina ng kanyang previous show, let it be relegated to the annals of history.

Chance, chance, chance…CPA deserves it this time if only for being a good-natured, well-intentioned and hardworking person.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …