Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Plant industry director sinibak sa taas-presyo ng bawang

DAGUPAN CITY – Kinompirma ni Engr. Rosendo So, pangulo ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG), na natanggap na nila ang impormasyon sa pamamagitan ng ipinadalang mensahe kaugnay sa pagsibak ni Agriculture Secratary Proceso Alcala sa direktor ng Bureau of Plant Industry na si Clarito Barron.

Kasunod ito sa labis na pagtaas sa presyo ng bawang sa bansa.

Ayon kay Engr. So, makaran ang isinagawang hearing sa Senado noong nakaraang linggo ay pinag-aralan ng kagawaran ang kanilang hiling na dapat matanggal sa kanyang pwesto si Barron.

Iginiit ng grupo na si Barron ang may kasalanan sa sobrang pagtaas ng presyo ng bawang sa bansa na umabot pa sa P300 bawat kilo.

Ito aniya ay resulta sa hindi pag-aaral ni Barron sa ginawang pag-i-import ng ba-wang at kung ano ang magiging epekto nito sa mga lokal na produkto sa bansa.

Kinuwestiyon din ang pagi-ging direktor ni Barron sa BPI gayong hindi alam na mayroon lokal na produksyon ng puting sibuyas sa bansa bagay na kanya pang ipinai-import.

Sinasabing ipinalit kay Barron si Agriculture Undersecretary Paz Benavidez na magsisilbing officer-in-charge.

Una rito, nagsisiyasat na ang National Bureau of Investigation at Deparment of Justice para matukoy kung sino-sino ang nasa likod ng pagtaas na pres-yo ng bawang sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …