Friday , July 25 2025

Pang-finals lang si James Yap

WALA mang nakuha sa mga ipinamigay na parangal sa Leo Awartds ng Philippine Basketball Association noong Hulyo 5 ay walang hinanakit ang superstar na si James Yap.

Alam naman niya na overall ay hindi naging maganda ang kanyang mga numero sa elimination round ng tatlong conferences ng katatapos na 39th season. Gumaganda lamang ang kanyang laro pagdating ng playoffs at lalung-lalo na kapag Finals na.

Katunayan,  dalawa sa tatlong Finals ng nakaraang season ay pinarangalan si Yap ng PBA Press corps bilang finals Most Valuable Player.

Noong Miyerkoles ay nagtala siya ng 29 puntos  upang pangunahan ang 92-89 panalo ng San Mig Coffee kontra Rain Or Shine sa Game Five ng PLDT Home Telpad PBA Governors Cup.

Bunga ng performance na iyon ay nagkampeon ang Mixers at nabuo nila ang ikalimang Grand Slam sa kasaysayan ng PBA.

Kaya naman bulalas ng halos lahat, “pang-Finals talaga si Yap!”

Ika nga, kung kailangang-kailangan ng kanyang koponan ay magde-deliver siya. Kaya nga tinagurian siyang Big Game James.

Aniya, kahit kailan ay hindi naman siya naghinanakit sa paraan ng paggamit sa kanya n San Mig Coach Tim Cone. Ito’y contrary sa mga nagsasabing isa si Yap sa mga vocal hinggil sa estilo ni Cone nang ito ay humawak sa San Mig Coffee tatlong taon na ang nakakalipas.

“Kung ano ang diskarte ni coach, okay sa akin. Wala akong reklamo. Hindi ako ganoong klaseng player. kahit sinong coach ay sinusunod ko,” ani Yap. “Alam nila kung ano ang makabubuti sa isang player at sa team.”

So, hindi man siya napabilang sa Mythical First Five o Mythical second team, alam ni Cone kung ano ang tunay na kahalagahan ni Yap sa San Mig Coffee at sa liga.

Ipinakita ito ni James sa nakaraang finals.

At patuloy niya itong ipakikita sa mga taong darating.

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Karl Eldrew Yulo Cynthia Carrion

Karl Eldrew Yulo, Positibong Tatapatan ang Presyon sa World Juniors sa Maynila

BAGAMAT aminado sa presyon ng pagiging host country, nananatiling positibo si Karl Eldrew Yulo na …

LRTA FIVB Mens World Championship

LRTA, mas pinalakas ang kampanya para sa FIVB Men’s World Championship

LUBOS na ang pagpapaigting ng kampanya para sa pagho-host ng Pilipinas ng 2025 FIVB Volleyball …

PH Blu Girls WBSC Womens Softball Asia Cup 2025

PH Blu Girls tinambakan SoKor sa China  
7-0 sa WBSC Women’s Softball Asia Cup

NAGPAKITA ng mahusay na laro ang Philippine Blu Girls sa WBSC Women’s Softball Asia Cup …

Eric Singson Tats Suzara ANV PNVF

Candon, PNVF, pinapahalagahan ang ‘volleyball tourism’

DAHIL sa tagumpay ng kasalukuyang 2025 Southeast Asian Volleyball League, hindi na nag-aksaya ng oras …

PSC PSTC

IRR para sa Philippine Sports Training Center Act, inaprubahan ng Lupon ng PSC

INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Philippine Sports …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *