ni Vir Gonzales
NAKAKA-TOUCH ang huling shooting day ni Nora Aunor ng Hustisya kasama si Rosanna Roces.
Noong dumating sa set si Gardo Versoza, may suot na t-shirt na may naka-print na mensahe na I’m proud of Filipino, pero I’m shame of my government. Naglambing si Guy at hiningi ang t-shirt ni Gardo at buong pagmamahal naman na ibinigay iyon.
Isinuot agad ito ni Guy. Alam ba ninyo, maging ang CNN ay pinick-up ang paglaglag kay Nora bilang National Artist?
Sabi naman ni Ms. Perla Bautista makalilimutan ang pangalang PNoy Aquino pero hindi ang Nora Aunor.