NAGMAKAAWA kay Mick Jagger ang mga Brazilian na huwag suportahan ang kanilang team dahil may reputasyon ang sikat na singer ng Rolling Stones sa pagsumpa sa mga team na kanyang sinuportahan sa 2010 World Cup sa South Africa.
Sa gitna ng world tour ng kanyag banda, sadyang hindi nakadalo si Jagger sa unang mga round ng World Cup, subalit inabot pa rin ng kamalasan ang mga team na kanyang sinuportahan.
Sa concert sa Roma, sinabi ng rock star na magwawagi ang Italy sa Uruguay para makaabot sa knockout stage. Natalo ang Italy ng 1-0 para ma-eliminate sa torneo. sa Lisbon naman, hinulaan din ni Jagger na mananalo ang Portugal. Napatalsik din ang Portugal sa group stage. At nang labanan ng England ang Uruguay, nag-tweeted siya ng “Let’s go England! This is the one we win!!!” Natalo din ang England, tulad ng iba, at hindi nakaabot sa knockout stage.
Ito ang nagbunsod sa mga Brazilian na bansagan si Jagger na ‘pe frio’—termino para sa kamalasan na naglalarawan sa ‘cold foot.’ Sinubukan nilang gamitin ang kanyang ‘kamalasan’ laban sa kanilang mga katunggali sa pagsapit ng semifinals sa pamamagitan ng mga cardboard cutout ng singer na nakasuot ng shirt ng ka-labang team na may mensahe ng pagsuporta.
Dangan nga lang ay naging ’no match’ ang mga cardboard cutout.
Suot ang England hat para subukang malihis ang kamalasan sa team na kanya nang isinumpa, dumalo si Jagger sa laban ng Brazil at Germany kasama ang kanyang anak na lalaki, na nakasuot naman ng Brazil shirt. Ang naging resulta ay tunay na nakakikilabot. Natambakan ang Brazil ng 7-1 para magtala ng bagong World Cup record. Ito ang pinakamalaking puntos ng pagkatalo ng Brazil—at hindi lamang sa World Cup. Ito rin ang kauna-unahang home loss ng bansa sa competitive match simula noong 1975. Bukod rito, dito rin naungusan ni Miroslav Klose ng Germany si Ronaldo sa all-time World Cup sco-ring record.
Kinalap ni Tracy Cabrera