Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jet 7 Bistro Bar & Grill, da best ang Angus Beef

ni Dominic Rea

SA imbitasyon ni Jai-Ho ng MOR Radio ay dinaluhan namin just this monday July 7 ang grand launching ng JET 7 Bistro Bar & Grill along Timog Avenue, Quezon City. In fairness, very accommodating ang owner ng place at pretty pa! Noon pa palang March 26 of this year nagbukas ang venue na maybe parang pasasalamat na rin ang ginawang launching nito dahil napaka-fruitful naman daw ang business simula nang magbukas ito ayon pa kay Ms. Jet!

May mga banda rin palang tumutugtog sa venue pero hindi rakrakan ang kinakanta nila kundi mga feel good songs na habang kinakain mo ang kanilang best seller na French-cut Angus Beef Steak kasama ang bote of red and white wines, naku, solve na solve na ang iyong gabi!

Medyo cozy siya pero sulit naman ayon pa sa isang chef na nakausap namin na nakalimutan ko na ang pangalan dahil sa sarap ng kinain ko ay nakalimutan kong press release ko sa venue. Kakaloka!

Anyways just visit the place guys dahil mag-i-enjoy ka talaga at napaka-friendly ng waiters nila. ‘Yung chicken and beef barbecue nila served with rice and may mga eklat tsuk sa gilid ng plating, wow, ang sarap din, hindi ba Ate Maricris Nicasio? ‘Yun na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …