Wednesday , December 25 2024

Implementasyon ng generic law pinipigil ng multinational firms?

Inakusahan ng maliliit na kompanya ng gamot ang mga multi-national firms na pinipigil ang implementasyon ng Republic Act 9502 o ang Universally Accessible Cheaper and Quality Medicine Act of 2008 sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso sa kanila sa ilalim ng umano’y paglabag sa “patent protection law.”

Tatlong kompanya – ang Femma Drug, Ellebasy MedicaleTrading, at Mark Erickson Enterprises — ang ni-raid kamakailan ng mga pulis at ahente ng  National Bureau of Investigation kaugnay ng warrant at seizure order na nakuha ng Merk & Dome sa korte sa Makati dahil umano sa paglabag sa patent right at “ilegal na pagbebenta ng gamot.”

Itinanggi ng tatlong kompanya ang paratang at sinabing generic drugs ang pinagbibili nila at lahat ay nakarehistro sa Food and Drugs Administration (FDA).

“Paano magbibigay ang FDA ng certificate sa amin kung ang ibinebenta namin mga gamot ay ilegal? Ang totoo, malaki ang natitipid sa generic na gamot kaysa mga gamot ng kompanyang multi-national,” ayon kay Mack Macalanggan, tagapagsalita ng grupo.

Sa isang ulat, sinabi ng Merck na nasamsam ng mga awtoridad ng peke at ilegal na gamot na nagkakahalaga ng P15 milyon.

Pinabulaan ito ng tatlong kompanya at sinabing P2 milyon lang ang halaga ng mga gamot na nakuha sa kanila. Ito ay dahil ibinase  nila sa kanilang presyo kaya umabot ng P15 milyon ang mga gamot,” ayon kay Macalanggan.

Noong isang taon, nagsampa rin ng kaso ang Merck laban sa Sahar International Trading at Suhitas kaugnay umano sa paglabag sa generic law.

Sa pahayag ng Sahar at Suhitas, ang sinasabing etoricoxib na anti-inflamatory na gamot ng Merck ay hindi naman patented dahil naiiba ang estrukturang kemikal ng gamot kompara sa kanilang brand.

Paliwanag nila sailalim ng Section 7-M of RA 9502, “ang generic drugs tumutukoy sa mga gamot na may parehong active pharmaceutical ingredient gaya ng sa innovator drugs at hindi nasasakop ng patent protection law.”

Sinabi nila walang preliminary injunction o restraining order ang inisyu ng kahit anong korte na pumipigil sa pagbebenta o pagdistribyut ng etoricoxib, salungat sa ipinakakalat na notice ng Merck.

Ayon kay Macalanggan karapatan ng bawat Pilipino ang makabili at makapili ng murang gamot upang gumaling sa kanilang sakit.

(HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *