Sunday , November 17 2024

Iba’t ibang anyo ng tubig

Dear Señor H.,

Sa dream ko po kc lge aqng nkkta ng mga running water kng nd pool ai ilog mnzn malinz na malnz at minsn mdume ano poh ba ibg sbhn non?tnx poh cal me renz.wg u nlng poh po-post cp no. ko tnx poh

To Renz,

Kapag nanaginip ng tubig, ito ay simbolo ng iyong unconscious at ng iyong emotional state of mind. Ang tubig ay buhay at ang living essence of the psyche at ng daloy ng life energy. Ito ay simbolo rin ng spirituality, knowledge, healing at refreshment. Kung kalmado at malinis ang tubig, ito ay nagpapakita na ikaw ay in tune sa iyong spirituality. Ito ay may kaugnayan din sa serenity, peace of mind, at rejuvenation. Kung marumi at maputik naman ang nakitang tubig sa iyong bungang-tulog, ito ay nagsasaad na ikaw ay nagtatampisaw sa iyong negatibong emosyon. Kailangan kang maglaan ng sapat na oras upang mabago ito at makatagpo ng internal peace. Alternatively, ito ay nagsasaad na ang iyong thinking/judgment ay hindi malinaw at nakukulapulan.

Ang swimming pool naman ay maaari namang nagsasaad ng pangangailangan mo para sa cleansing. Kailangan mong i-wash away ang nakalipas at pagtuunan ng pansin ang hinaharap.

Kapag nakakita ka ng malinaw at payapang ilog sa iyong bungang-tulog, ito ay nagpapahayag na pinapayagan mo ang iyong sariling buhay na magpalutang-lutang lang o kaya, ikaw ay nagpapatangay na lang sa agos ng iyong kapalaran o ‘yung tinatawag nilang you are just going with the flow. Ito ay nagsasaad din na panahon na upang ikaw ang magdesisyon at magpatakbo sa sarili mong buhay. Alternatively, ang ilog ay sagisag din ng joyful pleasures, peace, at prosperity. Kung malakas naman ang nakitang agos ng ilog sa iyong panaginip, nagpapakita na wala kang kontrol talaga sa buhay mo. Kung maputik ang ilog, ito ay may kaugnayan sa kaguluhan, kahirapan, at paninibugho. Kung ikaw naman ay naliligo sa ilog, ito ay nagre-represent din ng purification at cleansing.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *